^

Metro

Tinuksong 'uhugin' nanaksak ng kaklase

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang high school student ang sinaksak ng kanyang kaeskwela at siyam na kabarkada nito matapos tuksuhin ng biktima ang suspek na uhugin na naganap malapit sa isang paaralan sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Malubhang nasugatan at ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang si Raniel Ogalinol, 18, ng Bagong Silang, Brgy. San Jose ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na itinago sa pangalang Jomar at siyam na hindi pa kilalang barkada nito.

Naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa San Roque National High School sa Gov. Pascual, Brgy. San Roque ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bago ang insi­dente ay tinukso ng biktima si Jomar na uhugin sa loob ng nasabing eskuwelahan. Nagtanim ng galit si Jomar at inabangan nito ang biktima   kasama ang mga kabarkada nito at doon sinaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na ospital.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BRGY

JOMAR

NAVOTAS CITY

RANIEL OGALINOL

SAN JOSE

SAN ROQUE

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with