^

Metro

PNP hospital binuksan sa dengue victims

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa patuloy na pag­lobo ng mga maysakit na dengue, binuksan na kahapon ng PNP ang hospital nito sa Camp Crame para sa mga mahihirap na pasyente na apektado ng nasabing karamdaman.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo.

Sinabi ni Cruz na ang PNP General Hospital ay ac­credited bilang tertiary hospital ng Department of Health (DOH) na maayos at malinis ang pasilidad.

Ayon kay Cruz, ipinag-utos na rin ni Bacalzo ang pagmomobilisa ng resources ng PNP para makatulong sa DOH at iba pang concerned na Local Government Units (LGUs) na masugpo ang dengue outbreak.

Samantalang maging ang iba pang medical facilities ng PNP sa lahat ng mga rehiyon ay bukas rin para sa mga maysakit na dengue.

Patuloy rin ang boluntar­yong pagdodonasyon ng dugo ng mga pulis para sa mga maysakit na dengue at clean up drive upang mapalayas naman ang mga lamok na may dalang dengue.

AGRIMERO CRUZ JR.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

CHIEF SUPT

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL HOSPITAL

LOCAL GOVERNMENT UNITS

SPOKESMAN P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with