^

Metro

Phil. Dragon Boat kinilala ng Manila City Hall

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Manila Mayor Alfredo Lim na ang Philippine Canoe- Kayak Federation ang dapat na mag- affiliate sa Philippine Dragon Boat Federation na nakakuha ng limang gold medal at silver medal matapos ang isinagawang competition kamakailan sa Florida, USA.

Sa pagtungo ng miyembro ng PDBF sa City Hall, sinabi ni Lim na hindi maikakaila ang karangalan na binigay ng grupo sa bansa kung kaya’t mas makabubuti kung ang Canoe-Kayak ang sumanib sa PDBF sa kabila ng kawalang suporta ng Philippine Sports Commision.

Ayon kay Lim, na dapat lamang na suportahan ng pama­halaan ang PDBF dahil hindi biro ang ginagawang sakripisyo at pag-eensayo ng mga ito kapalit ng malaking karangalan.

Bagama’t hindi malaki ang halagang ibinigay ni Lim, sinabi nito sa grupo sa pangunguna ng pangulo nitong si Marcia Cris­tobal, nasa likod lamang nila ang lokal na pamahalaan para sa anumang tulong.

Bukod sa P200,000 check, binigyan din ng key to the city ang grupo.

AYON

BAGAMA

CITY HALL

DRAGON BOAT FEDERATION

KAYAK FEDERATION

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MARCIA CRIS

PHILIPPINE CANOE

PHILIPPINE SPORTS COMMISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with