^

Metro

Mini shabu lab sa QC, sinalakay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang mini shabu laboratory ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dito nasamsam ang mga kagamitan at sangkap sa paggawa ng shabu sa lungsod, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay QCPD director­ General George Regis, ang si­nalakay na laboratoryo ay isang apartment type na ma­tatagpuan sa Dangay St., Veterans Village, Project 7 sa lungsod.

Ginawa ang raid, bunga ng impormasyong ibinahagi sa QCPD ng naarestong negos­yanteng Tsinoy na si William Sy kaugnay sa lugar kung saan nila pino-proseso ang droga.

Matagal na umanong tiniktikan ng QCPD ang nasabing apartment dahil sa ulat na may mini shabu laboratory sa ikatlong palapag nito.

Ganap na alas-10 ng gabi nang salakayin ng nasabing tropa ang naturang apartment base sa search warrant na inisyu ni Quezon City Regional Trial Executive Judge Fernando Sagun kung saan natuklasan ang mga sangkap at kagamitan sa paggawa ng shabu.

Ang nasabing mga sangkap ay inilagak na sa panga­ngalaga ng PDEA laboratory para sa kaukulang disposis­yon.

AYON

DANGAY ST.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GANAP

GENERAL GEORGE REGIS

GINAWA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL EXECUTIVE JUDGE FERNANDO SAGUN

VETERANS VILLAGE

WILLIAM SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with