^

Metro

2 binata itinumba sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang binata ang nasawi makaraang tamba­ngan ng tatlong hindi naki­kilalang lalaki lulan sa isang motorsiklo sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Sa ulat ng QCPD-CIDU, kinilala ang mga nasawi na sina Darwin Rabonar, 17, ng Brgy. Payatas at Ricardo Najera, 18, ng Brgy. Common­wealth.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng CIDU, sina Rabonar at Najera ay tinambangan ng tatlong mga armadong kalalakihang nakasuot ng bonnet at itim na jacket sa may Manggahan St., Commonwealth Avenue, Brgy. Commonwealth ganap na alas-11:40 ng gabi.

Ayon sa ulat, papauwi na ang mga biktima at habang naglalakad sa lugar kasama sina Mang Jonathan, tatay ni Darwin at isang Hansel Collan­tes nang mula sa kanilang likuran ay sumulpot ang mga suspect at unang pinagbabaril si Rabonar.

Nagawa namang makatakbo papalayo ni Najera pero, sinundan siya ng suspect at nang maabutan ay saka pinagbabaril sa gawing ulo, bago nagsipagtakas.

Dead-on-the-spot si Ra­bonar habang nagawa pang maisugod ng ilang residente si Najera sa East Ave­nue Medical Center, subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

Nakarekober ng mga ope­ratiba sa lugar ng krimen ang ng isang basyo ng kalibre 45 at tatlong basyo ng kalibre 9mm na ginamit kina Rabonar at Najera.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng mo­tibo sa isinagawang pagpaslang sa dalawang binata at kung sino ang posibleng gumawa nito.

vuukle comment

AYON

BRGY

CHIEF INSP

COMMONWEALTH AVENUE

DARWIN RABONAR

EAST AVE

HANSEL COLLAN

NAJERA

RABONAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with