MANILA, Philippines - Arestado ang isang dating security guard matapos na makuhanan ng mga kemikal na sangkap umano sa paggawa ng shabu sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod Quezon kamakalawa.
Nakilala ang suspect na si Crispin Tallo, 45, na nakuhanan ng hindi kukulangin sa P500,000 halaga ng mga kemikal sa isang buy-bust operation na isinagawa matapos na makumpirma ng PDEA operatives ang pagbebenta ng naturang kemikal makaraang dalawang beses na test-buy laban dito.
Ganap na alas-8:30 ng gabi nang simulan ng tropa ang operasyon sa may Brgy. Sto. Domingo kung saan nang iabot ni Tallo ang nasabing kemikal ay agad itong inaresto.
Nasamsam sa suspect ang nasabing mga kemikal na nakasilid pa sa mga botelya tulad ng ethanol, hydrochloride at ephedrine na mga sangkap sa paggawa ng shabu, ang nakuha sa kanya.
Hininala ng mga operatiba, posibleng galing sa ibang bansa ang mga naturang sangkap at galing sa malaking sindikato dahil hindi basta-basta umano naipapasok ang mga ito sa bansa.
Depensa ni Tallo kailangan lang daw niya ng pera dahil maysakit ang anak na naka-confine sa ospital