^

Metro

Ex-sekyu huli sa kemikal sa paggawa ng shabu

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang dating security guard matapos na makuhanan ng mga kemikal na sangkap umano sa paggawa ng shabu sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod Quezon kamakalawa.

Nakilala ang suspect na si Crispin Tallo, 45, na nakuhanan ng hindi kukulangin sa P500,000 halaga ng mga kemikal sa isang buy-bust operation na isinagawa matapos na makumpirma ng PDEA operatives ang pagbebenta ng naturang kemikal makaraang dalawang beses na test-buy laban dito.

Ganap na alas-8:30 ng gabi nang simulan ng tropa ang ope­rasyon sa may Brgy. Sto. Domingo kung saan nang iabot ni Tallo ang na­sabing kemikal ay agad itong inaresto.

Nasamsam sa suspect ang nasabing mga kemikal na nakasilid pa sa mga botelya tulad ng ethanol, hydrochloride at ephedrine na mga sangkap sa paggawa ng shabu, ang nakuha sa kanya.

Hininala ng mga ope­ratiba, posibleng galing sa ibang bansa ang mga naturang sangkap at ga­ling sa malaking sindikato dahil hindi basta-basta umano naipapasok ang mga ito sa bansa.

Depensa ni Tallo ka­ilangan lang daw niya ng pera dahil maysakit ang anak na naka-confine­ sa ospital

vuukle comment

ARESTADO

BRGY

CRISPIN TALLO

DEPENSA

DOMINGO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GANAP

HININALA

TALLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with