^

Metro

Bus tagging scheme simula na

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang magta­tapos na ang maliligayang araw at pamamayagpag ng mga kolorum na bus sa Kalakhang Maynila, dahil bukas Agosto 22 ay sisimulan na ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang panghuhuli sa kanila kaugnay sa pinatutupad na Vehicle Tagging Scheme.

Nabatid na sa tagging scheme, inoobliga ang mga bus operators na ipinta sa bubungan, harapan, likuran gayundin sa bawat tagiliran ang plate number ng kanilang mga sasakyan.

Layunin nitong mas magiging mabilis at madali na mahuli ang mga lumalabag sa batas trapiko partikular ang kolorum at out-of-line PUVs sa pamamagitan na rin ng mga naka-monitor at nakakabit na CCTV cameras ng MMDA sa mga panguna­hing lansangan.

Magugunitang noong nakaraang Lunes (Agosto 15) sinimulan ng MMDA ang dry-run pagpapatupad nito, kung kaya’t ang mga nahuli ay hindi muna pinagmulta sa halip binigyan lang ng warning.

Ngunit bukas ay mahigpit na itong ipapatupad at wala nang makakaligtas at magdadahilan pa.

Ang first-time violators ay pagmumultahin ng P500, samantala sa second offense, irerekomenda ng MMDA ang kanselasyon o suspension ng prangkisa sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC) ang implementasyon ng vehicle tagging scheme noong nakaraang Pebrero sa pa­ma­magitan ng Resolution Number 02-27 series of 2002.

AGOSTO

INAPRUBAHAN

KALAKHANG MAYNILA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAYUNIN

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVE

RESOLUTION NUMBER

VEHICLE TAGGING SCHEME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with