MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang 10 masahista at dalawang empleyado ng isang “SPA parlor” dahil sa reklamong front ng prostitusyon ang kanilang pinapasukan sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code sa Manila Prosecutors Office (MPO), ang mga naarestong sina Raj Alib, 27; cashier/manager; Sandy Mendoza, 20, cashier/ supervisor; Angel Reyes, 25; Kristine Rivera, 25; Irish Espiso, 24; Alexis Manalac, 19; Yssa Petalino, 27; Hyacinth Peña, 23; Keith Parcon, 21; Eunice Reyes, 19; Reese Dizon, 21; at Pia Joscon, 24, pawang mga masahista ng Louvre Spa.
Sa report ni Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-GAS dakong 1:30 ng madaling-araw nang isagawa nila ang pagsalakay sa Louvre Spa sa #1688 J. Bocobo St., Ermita, Maynila.
Nauna dito, isang concerned businessman, ang nagreklamo sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim kaugnay sa illegal na aktibidad na ginagawa sa loob ng naturang spa na naging dahilan para hindi tangkilikin ang katulad at legal na establisimyento sa lugar.
Dahil dito, ipinain si PO2 Adonis Aguila at nagpanggap na customer at sa aktong hinihimas ang “alaga” ng customer ay inaresto ang masahistang si Reyes habang narekober naman kina Alib at Mendoza ang P2,500 marked money.