^

Metro

10 masahista, 2 timbog sa 'spa parlor'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang 10 masahista at dalawang empleyado ng  isang “SPA parlor” dahil sa reklamong  front  ng prostitusyon ang kanilang pinapasukan sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.

 Kasong  paglabag sa  Article 201 ng Revised Penal Code sa Manila Prosecutors Office (MPO), ang mga na­arestong sina Raj Alib, 27; cashier/manager; Sandy Mendoza, 20, cashier/ super­visor; Angel Reyes, 25; Kristine Rivera, 25; Irish Espiso, 24; Alexis Manalac, 19; Yssa Petalino, 27; Hyacinth Peña, 23; Keith Parcon, 21; Eunice Reyes, 19; Reese Dizon, 21; at Pia Joscon, 24, pawang mga masahista ng Louvre Spa.

 Sa report  ni Chief  Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-GAS dakong  1:30 ng mada­ling-araw nang isagawa nila ang pagsalakay sa  Louvre Spa  sa  #1688 J. Bocobo  St.,  Ermita, Maynila.

 Nauna dito, isang concerned businessman, ang nag­reklamo sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim kaugnay sa illegal na aktibidad na ginagawa sa loob ng naturang spa na naging dahilan  para hindi tangkilikin ang katulad at legal na establisimyento sa lugar.

 Dahil dito, ipinain si PO2 Adonis Aguila at nagpanggap na customer at sa aktong hinihimas ang “alaga” ng customer ay inaresto ang masahistang si Reyes habang narekober naman kina Alib at Mendoza ang P2,500 marked money.

ALEXIS MANALAC

ANGEL REYES

ERMITA

EUNICE REYES

HYACINTH PE

IRISH ESPISO

KEITH PARCON

KRISTINE RIVERA

LOUVRE SPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with