MANILA, Philippines - Ang Quezon City Police umano ang may pinakamalaking gastos sa gasolina mula sa pamahalaang lungsod. Ayon kay QC City Administrator Victor Endriga , ang QC police ang may pinakamataas na halaga ng gastos ng gasoline sa lokal na pamahalaan na umaabot sa P7 milyon kada isang buwan, mas mataas pa sa gastos ng city government.
Hinikayat nito ang pamunuan ng QC police na doblehin ang sipag sa pagsawata sa mga krimen sa lungsod dahil kumpleto naman anya ang tulong ng lokal na pamahalaan sa mga ito tulad ng financial assistance, mobile cars at armas. Sinabi din ni Endriga na sa Kampo Crame gas station na lamang nila ngayon pinagagamit ang gas card na inisyu ng city govt sa mga pulis QC para malimitahan ang paggamit nito at matiyak na ang makakargahan ay lehitimong sasakyan gamit sa trabaho at hindi ang personal na sasakyan ng mga ito.
Una rito, naunsyami si QC Mayor Herbert Bautista sa laki ng gastos ng QC government sa QC police na dapat sana ay umasa ito sa PNP ng gastusin, na sa kabila ng malaking ayuda ng lokal na pamahalaan dito ay hindi naman masupil ng mga ito ang mga kasong nagaganap sa lungsod tulad ng carjacking at iba pa.