^

Metro

Bagong laya utas sa bf ng dating ka-live-in

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi pa man natatamasa ang pagiging bagong laya, ka­matayan ang sumalubong sa isang kalalayang bilanggo makaraang pagsasaksakin ng bagong lalaki ng kanyang da­ting­­ kinakasama, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Nasawi­ sa Pasay City General Hospital ang biktimang nakilalang si Joel Cacayan, alyas “Jojo”, at naninirahan sa Brgy. 154 Sto. Nino, ng naturang lungsod.

Agad namang tumakas ang salarin na nakilalang si Domingo­ Jardio Jr., 37, ng Block 6 Lot 12 Kamagong St., Brgy. Sto.Nino, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Pasay City Police, nakulong si Cacayan sa Pasay City Jail dahil sa kasong­ illegal possession of firearms at grave threats nang tutukan nito ng baril ang isa niyang kapitbahay may anim na buwan na ang nakakalipas.

Lumaya naman ang biktima nitong Agosto 16 at nag­­pa-inom sa kanyang mga kapitbahay sa loob ng kanyang bahay­. Dito nito nalaman na may iba nang kinakasama ang dati niyang­ live-in partner na si Dovie Libo-on na matagal nang tumigil sa pagdalaw sa kanya sa kulungan. Nang malasing, tinungo na ng biktima ang bahay ng dating ka-live-in ngunit inabutan lamang ang suspek na si Jardio. Dito na nilusob ng biktima si Jardio gamit ang dalang patalim na tinamaan ng saksak sa braso. Nagawa namang makipagbuno ni Jardio at maagaw ang patalim hanggang sa siya ang makasaksak sa lumusob na biktima.

BRGY

DITO

DOVIE LIBO

JARDIO

JARDIO JR.

JOEL CACAYAN

KAMAGONG ST.

NINO

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with