^

Metro

UP kakasuhan kung papayagan ang 'Kulo' exhibit

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagbantang kakasuhan ng betrayal of public trust ng Pro-Life Philippines ang pamunuan ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City kung papayagan ng nasabing uniber­sidad na idaos dito ang kontrobersyal na Kulo exhibit ni Mideo Cruz na umani ng batikos matapos lagyan ng ari at condom ang mukha ni Kristo.

Ayon kay Eric Manalang, president ng Pro-Life Philippines, isang government school ang UP na dapat pangalagaan ang usaping moralidad.

Bukod sa pagsasampa ng kaso, ikinakasa na rin ng naturang grupo ang kilos pro­testa para kalampagin ang pa­munuan ng unibersidad.

Ayon kay Manalang, ga­gawin nila ang mga hakbang na ginawa nila sa CCP Complex kung saan napilitang itigil ang exhibit matapos batikusin ng iba’t ibang sektor maging ng Ma­lakanyang ang naturang exhibit.

Pero ayon kay Manalang, tiwala ang kanilang hanay na hindi papayagan ng UP ang exhibit ni Cruz dahil mara­ming mga batang estudyante dito ang galing sa matuwid na religious upbringing.

AYON

BUKOD

CRUZ

DILIMAN

ERIC MANALANG

MANALANG

MIDEO CRUZ

PRO-LIFE PHILIPPINES

QUEZON CITY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with