^

Metro

Bebot inagawan na ng motorsiklo, hinampas pa ng helmet sa ulo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Walang patawad ang namamayagpag na carnapper sa Maynila makaraang agawan ng motorsiklo ang isang 26-anyos na babae na hindi pa nasiyahan ay hinampas pa sa ulo ng helmet dahil sa pagpalag sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa MPD-Anti Carnapping and Hijacking Unit ang biktimang si Geraldine De Quiros, ng Bustamante St., Grace Park, Caloocan City. Hindi naman naplakahan ng biktima ang motorsiklo ng riding in tandem na umagaw sa kanyang motorsiklo.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng National Museum sa P. Burgos St., Ermita habang binabagtas   ng biktima ang kahabaan ng Taft Ave., sakay ng kanyang kulay itim na motorsiklo, Yamaha MIO (2252 UI) nang dikitan siya ng mga suspect at inutusan na bumama ng motorsiklo.

Pumalag ang biktima at kahit sa puntong iyon ay napansin na ng mga suspect na babae ang kanilang biniktima ay hinampas pa ito ng helmet para mapilitang ibigay ang minamanehong motorsiklo at tuluyang matangay.

vuukle comment

ANTI CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

BURGOS ST.

BUSTAMANTE ST.

CALOOCAN CITY

ERMITA

GERALDINE DE QUIROS

GRACE PARK

MAYNILA

NATIONAL MUSEUM

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with