^

Metro

Obrero hulog sa gusali, patay

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang namatay matapos na ma­hulog mula sa rooftop ng ginagawang tatlong palapag na residential building sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Sa pamamagitan ng access pass, nakilala ang biktima na si Mikel Agaed, tubong Binangonan, Rizal.

Lumilitaw sa imbestigas­yon ni SPO1 Danilo Patoc ng Criminal Investigation Unit (CIU), ganap na alas-5:00 ng umaga nang   makita ang bangkay ng biktima sa ibaba ng construction site sa #6 Panalis St., Brgy. Mabini, Mandaluyong City.

Ayon sa kasamahang tra­bahador ng biktima na si Isaac Ayson, 27, nakita niya ang bangkay ng biktima na nakasabit ang ulo sa bakal na tatsulok, nakadipa ang mga kamay at mistulang  nakaluhod ang mga tuhod.

Giit naman ng mga kasama sa trabaho ng biktima, posible umanong tumalon o kaya’y ak­siden­teng nahulog ang biktima sa ginagawa nilang gusali nang wala uma­nong nakapansin sa kanila.

Duda naman si Patoc sa salaysay ng mga kasama sa trabaho ng biktima kaya inimbitahan nito sa pulisya sina Ayson, Louie Fontanilla, 31; Dominador Montenola, 25; at George Abad, 28. 

Sinabi ni Patoc, na dapat ay nakabulagta at lasog ang katawan ng biktima kung tuma­lon o aksidente itong nahulog sa gusali. 

Hinihinala ng pulisya na may naganap na ‘foul play’ sa pagkamatay ng biktima dahil sabog din ang nguso nito bukod pa sa sugat sa ulo at likuran bahagi ng katawan nito.

Huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa apat na ka-trabaho at hindi naman umano nagtagal at nagpapalam din ito para matulog pero kinabukasan ay nakita ng wala ng buhay.

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO PATOC

DOMINADOR MONTENOLA

GEORGE ABAD

ISAAC AYSON

LOUIE FONTANILLA

MANDALUYONG CITY

MIKEL AGAED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with