Bebot kritikal sa live-in partner

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang babae ma­tapos na saksakin ng kan­yang live-in partner nang magpaalam na titira muna sa kanyang magulangkamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Nilalapatan pa rin ng lunas sa President Diosdado Macapagal Memorial Hospital ang biktimang si Aileen Garrido, 20, nakatira sa Block 12, Lot 9, Phase 3, Area 1, Kaunlaran Village ng lungsod na nabanggit na nagtamo ng saksak ng icepick sa kanang tagiliran.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police detention cell ang suspect na si Abraham Bunag, 22, matapos na sampahan ng paglabag sa Republic Act  9262 at Phy­sical Injuries.

Sa report ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ng biktima.

Nabatid na nagpaalam ang biktima sa suspect na titira muna ito sa kanyang magulang, habang wala pa itong trabaho at hindi tumitigil sa pag-inom ng alak.

Naging mainit ang pagtatalo ng biktima at suspect na humantong sa pana­naksak ng ice pick ng huli sa una.

Show comments