'Botcha' nasabat sa Balintawak
MANILA, Philippines - Umaabot sa 300 kilo ng mga bilasang karne ng baboy, baka at manok ang nalimas ng mga elemento ng QC Hall Veterinary Office kahapon ng alas-3 ng madaling-araw sa isinagawang operasyon sa Balintawak Market sa lungsod Quezon.
Ayon kay Dra. Ana Marie Cabel ng QC Veterinary Office, nangangamoy at nabubulok na ang karne nang kanilang makumpiska. Partikular na nasamsam ang mga bilasang karne sa MC Market, Old Samson Road North, Diversion at Riverview sa Balintawak.
Ayon kay Cabel, ang bagong modus operandi ng mga tindera ay ang paghahalo ng mga botcha sa mga bagong karne para makapanglinlang sa mga mamimili. Dinala na sa Parks and Wildlife ang mga nakumpiskang botcha para ipakain sa buwaya.
- Latest
- Trending