^

Metro

Nanaksak sa Ms. Earth 2008 winner, kinasuhan

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Ipinagharap kahapon ng kasong frustrated murder sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang suspek na sinasa­bing responsable sa pananaksak kay Miss Earth 2008 winner Karla Paula Henry. Ayon kay Supt. Armando Bolalin, hepe ng Mandaluyong City Police, inin-quest na nila sa piskalya ang suspek na si Jherome Qui­­buyen, 29, binata, tubong Sta. Barbara, Victoria, Tarlac at pan­ samantalang na­ninirahan sa Unit 80 Anaheim Tower, Cali­fornia Garden Square ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, nabatid na ang pana­naksak sa biktima ay naganap dakong alas-5:45 ng madaling araw kamakalawa sa stairway ng Anaheim Tower 3, California Garden Square Condominium, Libertad cor. Calbayog Sts., Man­daluyong City. Ayon sa report, sinundan ng suspek ang biktima matapos nitong maiparada ang kanyang kotse­ sa parking lot at habang nag­lalakad sa stairway ay walang sabi-sabing inundayan ng sak­sak ng basag na bote sa likurang bahagi ng katawan.

Sinasabing nakasigaw ng malakas ang biktima na siyang dahilan upang mabilis na mag­responde ang mga guwardiya ng condominium na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.

Agad din isinugod ang bik­ tima sa Victor Potenciano Medical Center (VPMC) sanhi ng tama ng saksak ng basag na bote sa likuran bahagi ng katawan at idineklarang ligtas na sa tiyak na kapahamakan.  

ANAHEIM TOWER

ARMANDO BOLALIN

AYON

CALBAYOG STS

CALIFORNIA GARDEN SQUARE CONDOMINIUM

GARDEN SQUARE

JHEROME QUI

KARLA PAULA HENRY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with