^

Metro

3 tiklo sa pekeng Viagra

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nalansag ng National Bu­reau of Investigation (NBI) ang isang sindikato na nagbebenta ng mga pekeng sexual enhancement pills o mas kilala sa tawag na ‘viagra’ na nagpapakalat umano sa Regions III at IV-A   sa isang entrapment operation kamakalawa ng hapon.

Pansamantalang hindi muna ibinunyag ni NBI-Intellectual Property Rights Division chief, Atty. Rommel Vallejo ang mga pangalan ng tatlong naaresto upang hindi umano mapre-empt ang kanilang follow-up ope­ration laban sa mga iba pang miyembro ng sindikato.

Nabatid na ang pekeng Viagra na isang kulay blue na pidoras ay orihinal na gawa ng drug company na Pfizer, na siya namang nag­hain ng reklamo sa NBI, sa pamamagitan ng kinatawang si Atty. Dan Antonio.

Sa sumbong ng Pfizer, ibe­nebenta ang pekeng ga­mot sa Region III at IV-A partikular sa Batangas, Laguna, Nueva Ecija, at Pampanga sa halagang P95 kada kahon kumpara sa presyo­ ng orihinal na P3,000.

“Delikado ang pag-inom ng fake Viagra dahil nang ipa-test yung fake tablets iba ang chemical content, hindi natin alam kung anong chemical content,” ayon sa kinatawan ng drug company.

Ikinasa ang entrapment ng mga tauhan ng NBI-IPRD at isa ang nagpanggap na bibili ng 1,000 kahon ng viagra, sa napagkasunduang fast food restaurant sa Angeles City da­kong ala 1-ng hapon nitong Agosto 10. Inihahanda na ang isa­sam­pang kasong paglabag sa Food and Drug Adminis­tration Act of 2009 laban sa mga suspect.

vuukle comment

ANGELES CITY

DAN ANTONIO

DRUG ADMINIS

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS DIVISION

NATIONAL BU

NUEVA ECIJA

PFIZER

ROMMEL VALLEJO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with