^

Metro

Pulitika sinisilip na motibo sa pagpaslang sa staff ni VM Erice

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pulitika ang isa sa mga anggulong tinitingnan ngayon ng pulisya sa pagpaslang sa isang staff ni Caloocan City Vice-Mayor Egay Erice kamakalawa. Kasabay nito bumuo ng Task Force Delana­ ang Criminal Investigation and Detection Group, Northern­ Police District at Caloocan City Police na siyang tututok sa imbestigasyon. Magugunitang pinagbabaril at napatay si Samuel Delana­, 44, ng Phase 8-A, Bagong Silang ng nabanggit na lung­sod­ kamakalawa dakong alas-10:15 ng umaga. Sugatan din sa insidente ang kasama nitong si Nelda Dioquino, 54. Lumalabas na namimigay ng polyeto ang mga biktima sa Phase 5 nang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at pagbabarilin si Delana sa dibdib at mukha habang nahagip naman ng bala si Dioquino sa kaliwang balikat. Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang mga biktima sa Jose Rodriguez Hos­pital subalit hindi na umabot pang buhay si Delana.

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN CITY VICE-MAYOR EGAY ERICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DELANA

JOSE RODRIGUEZ HOS

NELDA DIOQUINO

POLICE DISTRICT

SAMUEL DELANA

TASK FOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with