MANILA, Philippines - Upang mapangalagaan ang interes at kaligtasan ng mga taga-Quezon City plano ng pamahalaang lungsod na ipatupad ang color coding sa uniporme para sa lahat ng mga TODA ng tricycle sa lunsod. Sa isang press conference, sinabi ni QC administrator Victor Endriga na layunin nito na mabilis ding makilala ang mga driver na inerereklamo, ang pumapa sada sa hindi naman nila linya o ang mag-out of line, gayundin para mapigilan ang paglipana ng mga colorum na tricycle sa lungsod. Binigyang diin ni Endriga na ang hakbang ay bunsod na rin ng mga reklamong natatanggap ng kanyang opisina na ilang mga tricycle drivers na nagsasamantala sa sobrang taas ng halaga ng singil sa pasahe. Mayroon din anyang nairereklamo na hindi nagbibigay ng discount sa mga mag-aaral at mga senior citizen na dapat tupdin ng mga tricycle drivers alinsunod sa batas.