^

Metro

Ospital sa QC, siksikan na sa mga batang may dengue

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Siksikan na ang mga bata na may sakit na dengue sa mga pagamutan sa Quezon City partikular sa Quirino Memorial Medical Center.

Sa naturang pagamutan, iniulat kahapon na umaabot na sa 66 na bata ang naka-confine dahil sa sakit na dengue o dalawa hanggang tatlong bata sa isang kama sa ward section ng pagamutan.

Bunsod nito, nanga­ngamba ang pamunuan ng naturang ospital na higit pang dumami ang kaso ng mga batang may sakit na dengue at baka hindi na ma-accomodate ng ospital dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga pasyente.

Dahil dito, muling nag­paalala ang DOH sa publiko tungkol sa pagiging malinis sa paligid para maiwasan ang pagdami ng lamok na may dengue.

BATA

BUNSOD

DAHIL

DENGUE

PAGAMUTAN

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

SAKIT

SIKSIKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with