^

Metro

Guidelines sa billboards, pirmado na ng MMDA

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nilagdaan na kahapon   ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis N. Tolentino ang tatlong magkakahiwalay na im­plementing guidelines para sa pagkontrol sa pagla­lagay ng mga billboards at ad­vertising signs sa mga pangunahing lan­sangan sa Metro Manila.

Ang unang alintuntunin ay may kinalaman sa pag-iisyu ng structural at locational clearances para sa billboard operators. Nakapaloob dito na ang mga local government units sa pamamagitan ng Office of the Mayor ang siyang mag-iisyu ng permit o tinatawag na locational at structural clearances sa kani-kanilang mga nasasa­kupan. Bukod dito ang mga local chief executives rin   ang maaaring mag-utos para sa de­molisyon o pagbaklas ng mga billboards na lalabag sa anumang batas o ordinansa at maaaring humingi ng tulong sa MMDA kung kinakailangan.

Samantala ang MMDA ang siyang mahigpit magpapatupad ng   National Building Code provision ukol sa   mga billboards sa mga major at national roads na nasa hurisdiksiyon nito. Bukod dito, nakasaad pa rin sa alituntunin ang pagsunod sa paglalagay ng billboards tulad ng one hundred-meter minimum radius sa pagitan ng signs  gayundin ang pagbabawal ng roof signs.

Ang pangalawang regulasyon ay ukol naman sa laman o larawang nakalagay ng billboards na kung saan ay nakapaloob dito na lahat ng advertisers, owners at ope­rators ng billboards ay dapat sumunod sa itinakdang Code of Ethics for advertising and promotions ng kani-kanilang sariling grupo o asosasyon.

Samantala ang pangatlong guideline ay ukol naman sa billboard height at size requirements. Ang mga billboard at billboard structures ay hindi pahihintulutan sa kahabaan ng Roxas Boulevard at Macapagal Avenue habang sa ibang lugar sa Metro Manila ay limitado ang taas ng billboard at billboard structures na ide­de­termina ng local government units.

BUILDING CODE

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS N

CODE OF ETHICS

MACAPAGAL AVENUE

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with