^

Metro

Pagpapatiwakal ng DBP lawyer, bubusisiin ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Idinulog na ng isang opis­yal ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa National Bureau of Investi­gation (NBI) ang kasong pagpapatiwakal ng isa nilang abogado na kabilang sa naatasang mag-imbestiga sa mga tran­saksiyon sa DBP ng nakalipas na administrasyong Arroyo.

Personal na nagtungo noong Biyernes sa tanggapan ng NBI si DBP chief legal counsel, Atty. Benilda Tejada para magsumite na rin ng mga dokumento na naiwan ng namayapang si Atty. Benjamin Pinpin, na napaulat na nagpakamatay noong Agosto 2, sa comfort room ng isang hotel sa Las Piñas City.

Ayon kay Tejada, hinihi­ling nila ang tulong ng NBI sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ni Pinpin.

Nais ni Tejada na mabusisi ng NBI ang police report at mga dokumentong natagpuan sa sasakyan ni Pinpin na kinabibilangan ng kopya ng suicide note, kopya ng security report kaugnay ng di umanoy pagpapatiwakal nito at mga dokumento tungkol sa pakikipag-ugnayan ni Pinpin sa DBP management.

Si Pinpin ay sinasabing bahagi ng grupo na inatasang mag-imbestiga sa mga naging­ transaksyon ng DBP sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

Naniniwala si Tejada na may dapat tukuyin sa dahilan ng nasabing pagpapakamatay.

Nabatid na nasa kalagitnaan pa lamang ng isinasa­gawang imbestigasyon ang grupo ni Pinpin sa mga kwes­­tiyunableng transaksiyon sa nasabing banko nang isa­ gawa nito ang pagpapa­ka­matay.

vuukle comment

AGOSTO

BANK OF THE PHILIPPINES

BENILDA TEJADA

BENJAMIN PINPIN

LAS PI

NATIONAL BUREAU OF INVESTI

PANGULONG ARROYO

PINPIN

SHY

SI PINPIN

TEJADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with