^

Metro

Kaso ng dengue sa QC lumobo

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tumaas ng 160 percent o umabot na sa 2,770 ang kaso ng dengue na naitala sa Quezon City sa loob lamang ng pitong buwan ngayong taon kumpara sa kapareho ding panahon noong isang taon.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, - epidemiologist ng QC Health Department mula noong Enero 1 hanggang Hulyo 30, 2010 na umabot lamang sa 1,069 ang kaso ng dengue sa lungsod habang 12 katao lamang dito ang namatay mas maliit kumpara sa halos 3,000 kaso ngayong taon.

Halos dumoble rin ang bilang ng namatay ngayong taon matapos na makapagtala ng 21 katao na nasawi.

Kabilang sa mga bina­ban­tayang barangay sa QC ay ang Bagbag, Common­wealth, Gulod, San Barto­lome at Batasan area kung saan naitala ang mas ma­raming kaso ng dengue.

Nangangamba si Dr. Cruz na posibleng tumaas pa ang nasabing bilang ngayon buwan ng Agosto hanggang Setyembre dahil sa tag-ulan.

Dahil dito, muling binuhay ng QC ang fever express lane sa lahat ng health center­ at ospital sa lungsod.

AGOSTO

AYON

BAGBAG

BATASAN

DAHIL

DR. CRUZ

DR. ROLANDO CRUZ

HEALTH DEPARTMENT

QUEZON CITY

SAN BARTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with