50-anyos tiklo sa shabu

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang isang 50-anyos na lalake makaraang makuhanan ng 50 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng tauhan ng Quezon City Police District Anti-illegal Drugs (QCPD-DAID) sa lungsod, kamakalawa. Kinilala ang suspect na si Nicasio Sison na naninirahan sa Project 4, sa lungsod.

Si Sison ay matagal ng minamanman ng pulisya ma­tapos na makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta nito ng iligal na droga sa naturang lugar.

Matapos, anyang makum­pirma ay saka pinlano ang buy-bust operation kung saan isang poseur-buyer ang naki­pagtransaksyon sa suspect na bibili ng droga sa halagang P200,000 na doon na dinakma ang suspect. (

Show comments