Kelot utas sa boga
MANILA, Philippines - Patay ang isang 27-anyos na lalake makaraang pagbabarilin sa lungsod Quezon kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si Erwin Loquias, 27, ng Brgy. Commonwealth, Quezon City, na nagtamo ng apat na tama ng bala sa hita at katawan.
Dead on the spot sa lugar ang biktima matapos na pagbabarilin ng isang lalake gamit ang kalibre 45 baril sa may Katipunan St., sa lungsod.
Naganap ang insidente sa harap ng bahay ng isang Reynaldo Bugnot sa Katipunan St. ng nasabing barangay ganap na alas-10 ng gabi.
Bago ang insidente, nakita umano ng testigong si Elisa Nepana ang biktima at live-in nito na si Myla Narumbaba na nagtatalo sa lugar.
Ilang sandali pa ay may kinausap umano si Narumbaba sa cellphone hanggang sa makalipas ang ilang minuto ay nangyari ang insidente.
Lumalabas pa sa imbestigasyon na ang biktima at ang kinakasama nito ay isang buwan nang magkahiwalay dahil may ibang lalake na umano ang huli. Hinala ng pulisya na maaring may kinalaman ang live-in partner at kasalukuyang kinakasama nito sa nasabing pamamaril.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending