^

Metro

5 Taiwanese huli sa international call fraud

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Panibagong grupo ng mga dayuhang sindikato sa international telephone fraud ang na­dakip sa ginawang pagsalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang call center sa Marikina City, kamakalawa ng hapon. Sa bisa ng search warrant na inisyu­ ni Malabon Regional Trial Court Judge Zaldy Docena, sinalakay ng NBI ang isang residential house sa Pres. Laurel St., Industrial Valley Complex sa Marikina City dakong alas-3:30 ng hapon, kung saan na­aresto ang limang dayuhan na sinasabing pawang operator ng isang call center.

Kinilala ang mga suspect na sina Chang Hung-Yi, Chen Chun-Hsien, Hsieh Fu-Chin, Chen Hung-Lun at Ho Wei-Hung   na nagmula umano sa Taiwan. Nagpapakilala ang mga miyembro ng sindikato bilang judge, prosecutor o kaya’y police officer sa kanilang mga nabibiktima sa mainland China at Taiwan.

Noong Mayo ng taong ka­salukuyan, isang grupo din ang nadakip sa katulad na cyber crimes sa Pasig City. Noong nakalipas naman na Hulyo 20, nadakip din ng NBI ang may 38 foreign hackers sa dalawang magkasabay na pagsalakay sa kilala at class na mga sub­dibisyon sa Parañaque City.

Narekober sa pinakahuling raid ang scripts na pinaniniwalaang gamit sa modus upang makumbinse ang mga bik­tima, bukod sa mga internet con­nections at computer units. Sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Republic Act 8484, (or an act regulating the issuance and use of access devices and pro­hibiting their fraudulent) sa Ma­rikina City Prosecutors Office ang mga suspect.

CHANG HUNG-YI

CHEN CHUN-HSIEN

CHEN HUNG-LUN

CITY PROSECUTORS OFFICE

HO WEI-HUNG

HSIEH FU-CHIN

INDUSTRIAL VALLEY COMPLE

MARIKINA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with