MANILA, Philippines - Nababalutan ang bibig at nakagapos ng packaging tape ang mga kamay at tadtad ng tama ng bala sa katawan nang matagpuan ang isang hindi nakikilalang lalake na hinihinalang biktima ng summary execution sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw. Ang biktima na tinatayang nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’3”, payat, maigsi ang buhok, may tattoo sa dibdib at nakasuot ng maong pants. Natagpuan itong nakahandusay sa panulukan ng Visayas Avenue at Road 10, Brgy. Vasra ganap na alas- 2:45 ng madaling-araw. Bukod sa nababalutan ng packaging tape ay may tatlong tama ng bala sa ulo, isa sa likod at kanang kamay ang biktima.