^

Metro

13-anyos nagpaalam muna sa FB bago nag-suicide

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpaalam pa sa kanyang account sa social networking site na Facebook ang isang 13-anyos na binatilyo bago nito kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbabaril sa sarili, kamakalawa ng umaga sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Mario John Vilches, grade 5 pupil at nakatira sa A. Bonifacio St., Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .380.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, nadiskubre ang pagpapakamatay ng biktima dakong alas-11:30 kama­kalawa ng tanghali sa loob ng bahay nito. Isang putok ang pumailanlang kung saan nadiskubre ng mga kaanak ang duguang­ bangkay ng biktima.

Sa paunang imbestigasyon, nabatid na napagalitan umano ng kanyang ama ang biktima dahil sa dalawang araw na nitong pagliban sa klase sa paaralan dulot ng pagkahilig sa paglalaro ng computer.

Maaaring dinamdam ito ng biktima na nakadagdag pa umano sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang kung saan nabatid na may iba nang kinakasama ang kanyang ina. Inilahad umano ng biktima ang lahat ng sama ng loob nito sa kanyang Facebook account at pamamaalam nito.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa naturang­ insidente kung saan inaalam kung sino ang nagma­may-ari ng naturang baril na ginamit ng biktima.

vuukle comment

BIKTIMA

BONIFACIO ST.

BRGY

CITY POLICE

FACEBOOK

INILAHAD

ISANG

MARIO JOHN VILCHES

NAGPAALAM

SAN DIONISIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with