Kano, 2 pa, timbog sa P10-M cocaine
MANILA, Philippines - Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Taguig City Police ang isang American national at dalawang kasabwat nitong lalaki sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.
Kinilala ang mga nadakip na sina Vastine Jose, alyas Jimmy at mga kasabwat na sina Albert Joaquin at Edilberto Ty, kapwa tubong Samar.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang kilo ng “high grade cocaine” na nagkakalaga ng higit sa P10 milyon.
Nabatid sa ulat, nakipag-ugnayan sa Taguig police ang AIDSOTF sa ilalatag na pain upang madakip ang isang malaking grupo ng sindikato na nagpapakalat ng cocaine sa Metro Manila. Isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-9:30 ng gabi sa basement parking area ng isang mall sa Global City Taguig kung saan isang operatiba ang nagpanggap na buyer.
Ayon sa AIDSOTF, posible na bahagi ang nakum piska nilang cocaine sa daan-daang kilo ng iligal na droga na itinapon ng isang malaking sindikato sa dagat sa lalawigan ng Samar nang mabuko ng mga awtoridad ang pagpupuslit nito sa bansa.
- Latest
- Trending