^

Metro

MMDA isang buwang maglilinis ng estero

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng isang buwang kampanya sa paglilinis ng mga estero sa Kamaynilaan ang Metro Manila Development Authority­ (MMDA) umpisa sa Agosto 8 upang matiyak na tuluy-tuloy­ ang daloy ng tubig-baha ngayong walang tigil na ang pag-ulan.

Tinawag ng MMDA ang programa na “August Estero Blitz” na pangungunahan ng mga tauhan ng Flood Control and Sewerage­ Management Office at Metro Parkway Clearing­ Group.

Sinabi ni Chairman Francis Tolentino na target nila na mag­linis ng dalawang estero kada araw sa buong buwan ng Agosto. Kasunod ang bagong programa sa “480 Minutes Clean-Up Drive” noong Hulyo 24 kung saan 8,000 tauhan ng MMDA at mga volunteers ang nagtulung-tulong sa paglilinis sa mga daluyan ng tubig sa walong pinaka-binabahang lugar sa Metro Manila.

Sa pag-aaral na isinagawa ng MMDA, nadiskubre nila ang pagbabaha ngayon sa Metro Manila ay dulot ng pagkitid ng mga estero dulot ng basura, mga istruktura sa gilid nito; at pagputol o pagtabon sa mga natural na creeks ng mga itinatayong subdibisyon.

Iginiit ni Tolentino na mas importante umano na malinis muna ang mga estero, creeks, mga ilog sa Metro Manila bago ang Manila Bay.

Dahil dito, hiniling ni Tolentino sa mga lokal na pamahalaan, barangay at mga residente na makipagtulungan sa kanila upang matupad ang kanilang layunin na malabanan ang ma­tinding pagbabaha para na rin sa kaligtasan sa mga residente ng Metro Manila.  

AGOSTO

AUGUST ESTERO BLITZ

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

FLOOD CONTROL AND SEWERAGE

MANAGEMENT OFFICE

MANILA BAY

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO PARKWAY CLEARING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with