^

Metro

Lolo ginilitan ng itinurong holdaper

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi pinatawad ng mga kilabot na holdaper ang isang 61-anyos na lolo makaraang gilitan ito ng leeg sanhi ng kan­yang kamatayan bilang ganti umano sa pagtuturo sa kanila ng matanda sa pulisya, kamakalawa ng gabi sa Ma­kati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang nakilalang si Rodolfo Lorilla, ng Ilang-ilang St., Brgy. Guadalupe Viejo, ng naturang lungsod.

Nahihirapan naman ang pulisya na makilala ang da­lawang salaring tumakas da­hil sa pagiging tikom ng bibig ng mga nakasaksi sa takot na sila naman ang balikan ng mga kriminal.

Sa ulat ng Makati police, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi sa kanto ng Bernardino St. at EDSA sa Gua­dalupe Viejo. Nagtitinda umano ng tuyo ang biktima nang lapitan ng dalawang sa­la­rin at komprontahin sa ginawang pagtestigo laban sa kanila sa isang holdapan noong nakaraang linggo.

Agad namang nadakip noong nakaraang Biyernes ang dalawang salarin ngunit dahil sa wala namang pormal na nag­reklamo, pinalaya rin sila ng mga awtoridad ang dalawa.

Dito na niresbakan ng mga salarin ang matanda na tinarakan ng patalim sa leeg. Nagawa pang makatakbo at makahingi ng tulong ng biktima bago ito tuluyang bu­magsak sa kalsada na duguan.

Patuloy naman ngayon ang masusing imbestigas­yon ng pulisya sa naturang krimen upang makilala ang dalawang holdaper sa pakikipag-ugna­yan sa mga miyembro ng Bantay Bayan na umaresto sa mga salarin at upang madakip ang mga ito sa kasong murder.

vuukle comment

BANTAY BAYAN

BERNARDINO ST.

BIYERNES

BRGY

GUADALUPE VIEJO

MAKATI

RODOLFO LORILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with