Kelot sinalvage

MANILA, Philippines - Walong saksak sa ka­tawan at markado ng pag­kakabigti ang leeg ng natagpuang bangkay ng isang ‘di kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima na naman ng summary exe­ cution, sa Infanta Bridge, Balut, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 40-45, may taas na 5’6, naka­suot ng puting underwear at may tattoo na “AXI Rose” sa kanang balikat at larawan ng tigre sa kaliwang  braso.

Sa imbestigasyon ni PO2 Bernardo Cayab­yab, alas-11:20 ng gabi nang madiskubre ng nagpapatrulyang si Edcel Cabayao, tanod ng Brgy. 133, Zone 11 ang bangkay na nakahandusay sa tulay, malapit sa warehouse ng Philippine Tin Factory na matatagpuan sa panulukan ng Infanta at Velasquez sts., Balut, Tondo.

Ayon sa pulisya, kinu­kum­pirma pa nila kung may nakabinbing kaso ang biktima. Inilagak sa St. Ivan Funeral Homes ang labi ng biktima para sa safekeeping at awtopsiya at upang makilala ng pamilya.

Show comments