^

Metro

Cambodian kulong sa paggamit ng pekeng dokumento

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang Cambodian ang inaresto at kasalukuyang naka­kulong sa Bureau of Immigration (BI) matapos na gumamit ng pekeng dokumento upang makapag-apply ng Philippine passport.

Kinilala ni BI intelligence chief Maria Antonette Bucasas-Mangrobang ang inarestong si Edy Hu, 61, isang Cambodian.

Ayon kay Mangrobang si Hu na ngayon ay nakakulong sa immigration jail sa Bicutan, Taguig City ay itinuturing na undesirable alien.

Sinabi ni Mangrobang na ilalagay si Hu sa blacklist upang hindi na makabalik pa ng Pilipinas.

Nabatid na nagsumite ng pekeng mga dokumento si Hu gayundin ang pekeng pirma ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr.

Nakalagay ang pekeng pirma ni David sa certificate na si Hu ay nakatira sa Sta. Cruz, Manila at ipinanganak noong Hulyo 16, 1950.

Dahil dito, ibinunyag ni Hu na isang nagngangalang Nick Waquiz ang kanyang “fixer” na gumawa ng mga pekeng marriage contract at Philippine birth certificate sa halagang P40,000.

Dinala naman si Waquiz sa National Bureau of Inves­tigation at nakatakdang sampahan ng kasong falsification of public documents.

BUREAU OF IMMIGRATION

EDY HU

HU

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

ISANG CAMBODIAN

MANGROBANG

MARIA ANTONETTE BUCASAS-MANGROBANG

NATIONAL BUREAU OF INVES

TAGUIG CITY

WAQUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with