^

Metro

Expired na pagkain, juice nakumpiska

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga tauhan ng  Sanitation  Division ng Manila City Hall ang iba’t ibang pagkain at juice na mga expired su­balit patuloy na binebenta sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Boyet San Gabriel, hepe ng Sanitation Division, pawang pinalitan ang mga expiration date ng Lipton  Ice Tea at fish crackers na binebenta sa Villalobos at Hidalgo sts. Sa Quiapo.

Sinabi ni San Gabriel na matagal na silang na­ka­katanggap ng impormasyon hinggil sa bentahan ng mga expired na pagkain kung kaya’t isinagawa na nila ang on the spot inspection.

Dahil dito, agad na nagtungo ang mga tauhan ni San Gabriel sa lugar na kinabibilangan nina Ricky Reytas, Alma Flor Paloma at Roel Romano at dalawang pulis mula sa Quiapo-PCP.

Napag-alaman pa kay San Gabriel na sa ilalim ng R.A. 9711 mahigpit na ipi­nagbabawal ang pagbebenta ng mga expired at hindi rehistradong pagkain gayundin ang mga pinalitan ng expiration date.

Tumanggi naman ang mga vendor na sabihin ang kanilang mga pinagkukunan ng expired na pagkain.

Giit pa ni San Gabriel, maging ang mga tingi-ti­ngi at takal-takal na catsup, mayonnaise, soy sauce at iba pa ay bawal na rin. Nasa kustodiya naman ng Lanuza Health C­e­n­­ter­­­ ang mga nakumpis­kang produkto.

ALMA FLOR PALOMA

BOYET SAN GABRIEL

ICE TEA

LANUZA HEALTH C

MANILA CITY HALL

RICKY REYTAS

SAN GABRIEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with