^

Metro

Bangkay lumutang sa dam

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang bangkay nang lalaki ang natagpuang palu­tang-lutang sa La Mesa dam sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang biktima na personal na kinilala ng kanyang nanay sa pamamagitan ng tattoo na si Arvin Beltran­, ng No. 056 Legaspi St. Lupang Pangako, Group 5, Payatas, sa lungsod.

Ganap na alas-11:45 ng umaga nang makita sa loob ng La Mesa Dam partikular sa Group 5, Brgy Payatas B, ang bangkay ng biktima ng security guard sa naturang lugar. 

Nagpapatrulya ang mga sekyu nang mapuna nila ang katawan ng isang tao na palutang-lutang dahilan para agad nilang ipabatid ito sa pulisya.

Sa pahayag ng ina ng biktima, hinahanap nila ang biktima nang mawala ito noong Hulyo 28, 2011.

Ayon kay Insp. Ronald Mendoza ng scene of the crime operatives, ang biktima ay nasa stage of decomposition na pero wala namang nakitang sugat sa katawan nito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

ARVIN BELTRAN

AYON

BRGY PAYATAS B

GANAP

HULYO

ISANG

LA MESA

LA MESA DAM

LEGASPI ST. LUPANG PANGAKO

RONALD MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with