^

Metro

Pedicab driver binoga ng pasahero

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang pedicab driver ang binaril sa ulo at napatay ng isang pasahero dahil nagtalo ang mga ito matapos piliting singilin ng una ang huli ng pasahe samantalang lumipat ito ng ibang pedicab kamakalawa sa Navotas City.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at likuran si Wilfredo Babon, 42, ng Phase 6, Flovi Homes, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa loob ng Market 3, Navotas City Fish Port ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na unang sakay ng biktima ang suspect na lumipat naman sa ibang pedicab, gayunman sinisingil ito ni Babon. Nagbigay naman ang suspek subalit naliitan ang biktima na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa bunutin ng una ang dalang baril at paputukan si Babon.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa pagamutan.

vuukle comment

AYON

BABON

BRGY

FLOVI HOMES

ISANG

MATAPOS

NABATID

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY FISH PORT

WILFREDO BABON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with