^

Metro

Nahuhuling smokers, lumolobo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Sa kabila ng matinding kampanya at inilaang parusa sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar lalo pang lomobo ang bilang ng mga indibidwal na nadakip ng Metropolitan­ Manila Development Authority (MMDA).

Sa pinakahuling rekord ng MMDA (sa buwan ng Hulyo), nabatid na umabot na sa 3,762 mula sa mahigit dalawang libo noong nakaraang linggo ang mga nahuling nanini­ga­rilyo sa mga pampublikong lugar sa Metro Manila.

Giit ni MMDA chairman Francis Tolentino, sa kabila ng inihaing petisyon sa korte para pigilan ang kanilang kampanya, lalo pa nilang pinag-iibayong ipatupad ang kampanya.

Ipinaliwanag ni Tolentino, na walang paglabag sa batas ang kanilang ipinatutupad na kampanya dahil ito’y naa­ayon sa Republic Act 9211.

Bukod dito, malinaw umano ang pag-deputized sa MMDA ng LTRFB at Department of Health (DOH) bukod pa sa pag-apruba ng 17 alkalde sa Metro Manila sa memorandum circular na nag-aatas sa MMDA para ipatupad ang kampanya.

Matatandaang nakapaloob sa petisyong inihain sa   Man­daluyong Metropolitan Trial Court (MTC) branch 213,   na wala aniyang kapangyarihan ang MMDA para manghuli at magpataw ng multa sa mga mahuhuling lalabag sa anti smoking campaign.

Inihain ang petisyon nina Antony Clemente at Vrianne Lamson na kabilang sa mga nahuli ng MMDA Environment Pro­tection Enforcers sa Cubao, Quezon City noong Hulyo 13.

ANTONY CLEMENTE

DEPARTMENT OF HEALTH

DEVELOPMENT AUTHORITY

ENVIRONMENT PRO

FRANCIS TOLENTINO

HULYO

METRO MANILA

MMDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with