Hinaydyak na bigas, inabandona

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang inabandona na lamang ang tinatayang P1-milyong halaga ng bigas na sakay ng isang 10-wheeler Isuzu truck makaraang masiraan ng makina sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:55 ng madaling araw kamaka­lawa nang i-report sa kanila ng tricycle driver na si Isagani Labasa, 25, na may dalawang lalaki siyang naisakay na may kahina-hinalang kilos na inabandona ang isang truck.

Agad namang tinungo ng mga awtoridad ang panulukan ng R. Magsaysay Blvd corner Santol St. sa sinasabing truck na may body markings na Golden Harvest Rice Mill (GDD 357) na sa beripikasyon ay natukoy na nakarehistro sa isang Ernesto Subia ng Sarangay, Batuan, Isabela, Cagayan Valley.

Teorya ng pulisya, nasiraan ang nasabing truck malapit na sa checkpoint kaya posibleng inabandona ang truck na naglalaman ng hinayday na bigas.

Show comments