^

Metro

Ret. police, 1 pa dedo sa holdap

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang retiradong police at ang kasama nitong babae matapos holdapin at pagbabarilin   ng tatlong armadong kalalakihan na naka-motorsiklo kamaka­lawa sa Valenzuela City.

Bukiod dito, natangay din ng mga suspect ang tinata­yang P.7-M cash ng biktima.

Dead on the spot ang mga biktimang sina Jovencio Magliba-Pagador, 53, may-ari ng Great Horizon Manpower Services at Hayde Villarin Paloma, 28, sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng kalibre 45 baril.

Samantala, habang sinu­sulat ang balitang ito nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Valenzuela City Police laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek.

Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng P. Faustino St., Brgy. Punturin ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na bago maganap ang pamamaril ay katatapos lamang mag-withdraw ng mga biktima ng halagang P700,000 sa isang banko sa Meycauayan, Bulacan.

Sakay ng isang sasakyan ang mga biktima at habang binabagtas nila ang kahabaan ng P. Faustino St., biglang nag-overtake ang isang motorsiklo na sakay ang tatlong kalalakihan at dito walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ang mga biktima.Posible umanong natiktikan at sinundan ng mga suspect ang mga biktima.

vuukle comment

BRGY

BUKIOD

FAUSTINO ST.

GREAT HORIZON MANPOWER SERVICES

HAYDE VILLARIN PALOMA

JOVENCIO MAGLIBA-PAGADOR

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with