MANILA, Philippines - Isang babae at isang lalaki pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan na kapwa nababalot ng packaging tape ang mga mukha, nakagapos ang mga kamay at markado ng lubid sa leeg sa San Andres, May nila, kahapon ng madaling-araw.
Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan ang pulisya sa dalawang biktima.
Sa ulat ni PO3 Giovanni Valera, dakong ala-1:05 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng babae tinatayang nasa edad na 45-50, nakasuot ng checkered na short pants, dark blue na t-shirt, nakadapa sa bangketa sa Perlita St., San Andres, Maynila.
Dakong ala-1:10 naman sa Osmeña Highway nang matagpuan ang lalaki na nasa edad 45-50, nakasuot ng pantalon na camouflage, sandong puti at sweater na grey. Isang karton na may nakasulat na “Pusher ako, magnanakaw din ako” ang ipinatong sa bangkay nito.
Malaki ang paniwala ng pulisya na iisa lamang ang gumawa ng krimen sa mga biktima.
Ang mga bangkay ay kapwa inilagak sa Saint Harold Funeral Homes para sa safekeeping at awtopsiya.