MANILA, Philippines - May 40 opisyales mula sa iba’t-ibang regional offices ng Bureau of Jail and Penology (BJMP) ang sinimulang sanayin ng mga sundalong Amerikano, kaugnay sa counter radicalization at de-radicalization na may kaugnayan sa intelligence matters.
Ayon kay Jail Senior Supt. Linda F. Mingoa, director for Human Resource and Development (DHRD) ng BJMP, tuturuan ang mga opisyales sa pagsasanay bilang intelligence officers ng BJMP sa buong bansa, kung saan ang seminar ay gagawin ng pinagsanib na kagawaran ng BJMP at ng US Military Information Support Team (MIST) sa may Jail National Training Institute sa Camp Vicente Lim sa naturang lalawigan.
Ang U.S Mist ay eksperto sa counter-radicalization at de-redicalization sa pamamagitan ng Special Forces United States Army, Pacific Augmentation na pinamumunuan ni Lt. Col. Timothy C. Hilger na nagpadala ng tinatawag na four man team para turuan ang mga opisyales ng BJMP.
Samantala, umaasa naman si BJMP chief Jail director Rosendo M. Dial na ang inisyal na tropang tuturuan ng U.S. Mist ay simula lamang para sa higit pang kurso para sa BJMP officers sa hinaharap.