^

Metro

BJMP officials sasanayin ng sundalong Amerikano

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 40 opisyales mula sa iba’t-ibang regional offices ng Bureau of Jail and Penology (BJMP) ang sinimulang sanayin ng mga sundalong Amerikano, kaugnay sa counter radicalization at de-radicalization na may kaugnayan sa intelligence matters.

Ayon kay Jail Senior Supt. Linda F. Mingoa, director for Human­ Resource and Development (DHRD) ng BJMP, tutu­ruan ang mga opisyales sa pagsasanay bilang intelligence officers ng BJMP sa buong bansa, kung saan ang seminar ay gagawin ng pinagsanib na kagawaran ng BJMP at ng US Military Information Support Team (MIST) sa may Jail National Training Institute sa Camp Vicente Lim sa naturang lalawigan.

Ang U.S Mist ay eksperto sa counter-radicalization at de-redicalization sa pamamagitan ng Special Forces United States Army, Pacific Augmentation na pinamumunuan ni Lt. Col. Timothy C. Hilger na nagpadala ng tinatawag na four man team para turuan ang mga opisyales ng BJMP.

Samantala, umaasa naman si BJMP chief Jail director­ Rosendo M. Dial na ang inisyal na tropang tuturuan ng U.S. Mist ay simula lamang para sa higit pang kurso para sa BJMP officers sa hinaharap. 

ANG U

BUREAU OF JAIL AND PENOLOGY

CAMP VICENTE LIM

JAIL NATIONAL TRAINING INSTITUTE

JAIL SENIOR SUPT

LINDA F

MILITARY INFORMATION SUPPORT TEAM

PACIFIC AUGMENTATION

RESOURCE AND DEVELOPMENT

ROSENDO M

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with