Parking boy tigok sa padyak boy

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 24-anyos na parking boy nang resbakan ng nakaalitang padyak boy sa Malate Maynila, kahapon ng mada­ling-araw. Dead on arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Renz Ryan Merafuentes, residente ng Adriatico St., Malate, Maynila dahil sa dalawang saksak na tinamo sa dibdib.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspect na kinilalang si Wesley Mercado alyas “Wek-Wek”, na tumakas matapos ang pananaksak.

Dakong alas- 4:35 ng madaling araw ng maganap ang insi­dente sa panulukan ng San Andres at Adriatico Sts. sa Malate, Manila. Una umanong nagtalo at nagmurahan ang biktima at suspect nang hindi payagang pumarada ang sidecar ng huli .

Naawat ang dalawa subalit ilang minuto lamang ay bu­malik ang suspect at walang sabi-sabing inundayan ng dalawang saksak ang biktima,

Hindi na umabot ng buhay sa nasabing pagamutan ang biktima, na nakalagak na ang labi sa St. Ivan Funeral Homes.

Show comments