^

Metro

Matansero tinodas ng lasing na parak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa na namang bagitong pulis ang nahaharap ngayon sa kasong kriminal makaraang barilin sa ulo ang isang matansero sa loob ng isang videoke bar kahapon ng tang­­hali sa Pasay City.

Lasing na lasing at hindi makausap ng matino ang suspek na si PO1 Bernardino Meneses, nakatalaga sa Mobile Patrol ng Pasay police nang dalhin sa headquarters ng Pasay City Police matapos niyang barilin sa ulo ang biktimang si Cecilio Datun, 30.

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang pa­ma­maril sa loob ng DNS Vi­deoke Bar sa Lara St., Pasay dakong alas-12:30 ng tanghali. 

Nabatid na umiinom sa naturang videoke bar ang biktima kasama ang kaibi­gang si Jobel Nillo, 38, ha­bang solo namang umiinom sa katabing mesa ang pulis na lumilikha ng matinding ingay­ dahil sa pagkalasing.

Bitbit ang isang bote ng alak, nilapitan umano ni Datun ang pulis na nakasibilyan upang pagsabihan sa ingay nito. 

Dito umano binaril nang malapitan sa ulo ng suspek si Datun na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang nadakip ng mga rumespondeng pulis si Meneses. 

Sinabi nito kay Labra­dor na ipinagtanggol uma­no niya ang sarili dahil sa papaluin umano siya ng bote ni Datun kaya niya nabaril ito.

Sa kabila nito, sinampahan pa rin ng pulisya ng kasong murder si Meneses sa piskalya dagdag pa ang kasong illegal possession of firearms dahil sa wala itong maipakitang dokumento sa ginamit nitong .9mm na baril.

BERNARDINO MENESES

CECILIO DATUN

DATUN

JOBEL NILLO

LARA ST.

MENESES

MOBILE PATROL

PASAY

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with