^

Metro

Dagdag-bawas sa petrolyo ipinatupad ng oil companies

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpatupad kahapon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang mga kompanya ng langis bilang pagsunod sa dikta ng presyuhan sa internasyunal na merkado.

Sa ipinadalang advisories, umabot sa P.50 sentimos kada litro ang itinaas sa presyo ng regular na gasolina ng mga kom­panyang­ Pilipinas Shell, Petron Corporation, Chevron Phi­lip­pines­ at independent player Seaoil Philippines. Itinaas rin naman ng P.25 sentimos kada litro ang presyo ng kerosene ng naturang mga kompanya.

Mas katiting naman na P.35 sentimos kada litro ang kanilang ibinaba sa presyo ng premium at unleaded gasoline habang walang ginawang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ikinatuwiran naman ng naturang kompanya na tumaas ng $1 dollar kada bariles ng krudo sa Mean of Platts Singapore (MOPS) na pinagbabatayan ng lokal na kompanya sa presyo ng ibinebentang langis

Inaasahan naman na susunod na rin ang ilan pang mga maliliit na kompanya ng langis sa panibagong price adjustment makaraang kumpirmahin ng Department of Energy ang pagtaas­ ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

CHEVRON PHI

DEPARTMENT OF ENERGY

IKINATUWIRAN

INAASAHAN

ITINAAS

MEAN OF PLATTS SINGAPORE

NAGPATUPAD

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

SEAOIL PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with