^

Metro

PUP president pinaboran ng korte na manatili sa puwesto

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Mananatili pa rin bilang President ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) si Dr. Dante Guevarra matapos magpasya ang Manila Regional Trial Court na harangin ang pagtatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino kay Ericio dela Torre na kapalit nito.

Ito’y matapos pagbigyan ni Manila RTC Judge Silvino Pampilo­, Branch 25 ang kahi­li­ngan ni incumbent PUP President Dr. Guevarra na mag-isyu ng writ of preliminary injuction at manatiling Pangulo sa nasabing unibersidad.

Una nang naghain ng petisyon sa hukuman si   Guevarra para maharang ang Board of Regents sa pagtatalaga ng officer in charge ng PUP dahil sa pagiging labag sa batas. Nagtapos ang apat na taong termino ni Guevarra bilang PUP president noong Hulyo 5, 2011.

Iginit ni Guevarra na ang appointment ni De La Torre bilang OIC ay paglabag sa Republic Act 8292 at hindi umano dapat na magtalaga ang board ng kapalit kung nais pa ng nakaupong Presidente ng re-appointment lalo na kung eligible at kuwalipikado naman ito, alinsunod sa itinatakda ng Board of Regents.

BOARD OF REGENTS

DE LA TORRE

DR. DANTE GUEVARRA

DR. GUEVARRA

GUEVARRA

JUDGE SILVINO PAMPILO

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PANGULONG NOYNOY AQUINO

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with