^

Metro

1,800 pulis sa Maynila handa sa SONA

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kahit sa lungsod ng Maynila ay may nakalatag ngayong 1,800 na  kapulisan na tinaguriang Task Group West, na bahagi din ng binuong Super Task Force Kapayapaan ni Philippine National Police Director General Raul Bacalzo para sa seguridad ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) spokes­person C/Insp. Erwin Mar­ga­rejo ang 1,500 kagawad ng MPD at augmentation forces­ na 300 mula sa National Capital Regional Police Office ay magsisilbing Task Group West.

Kabilang sa mga lugar na tututukan ay ang makasaysayang Men­diola Bridge na inaasahang pag­darausan din ng mga kilos-protesta ngayong umaga­, ang mga pangunahing insta­lasyon gaya ng LRT, MRT, Pandacan oil depot­, US Embassy at ang  mga kalyeng daraanan ng Pa­ngulo patungo  sa Mababang Kapulungan ng Kongreso­.

Ani Margarejo, bago pa mag-alas-7 ng umaga ay naka-deploy na ang mga naturang puwersa ng pulis sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

ANI MARGAREJO

ERWIN MAR

MABABANG KAPULUNGAN

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

SHY

STATE OF THE NATION ADDRESS

SUPER TASK FORCE KAPAYAPAAN

TASK GROUP WEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with