^

Metro

Lalaki pumalag sa holdap, kritikal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang isang lalaki nang barilin ito ng isa sa dalawang holdaper matapos pumalag ang una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Norman Consenes, 33, ng Dela Costa Homes, San Jose del Monte, Bulacan. Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya laban sa hindi pa nakikilalang mga holdaper.

Dakong alas-6:30 ng gabi ng maganap ang insidente habang sakay ang biktima at mga suspect sa isang pampasaherong jeep at pagsapit sa Ilang-Ilang St., Bagong Silang ng nabanggit na lungsod ay dito na nagdeklara ng holdap ang mga suspek. Kinuha ng mga suspek ang mga pera at gamit ng ibang pasahero, subalit pagtapat kay Consenes ay nanlaban ito. Isa sa mga suspek ang bumaril sa biktima bago nagsitakas habang dinala naman si Consenes sa nasabing ospital.

AGAW

BAGONG SILANG

BULACAN

CALOOCAN CITY

CONSENES

DAKONG

DELA COSTA HOMES

ILANG-ILANG ST.

NORMAN CONSENES

SAN JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with